Linggo, Mayo 6, 2012

Kwentong Lakbay.. (Tula)

Kapagod na biyahe mula Muntinlupa,
Lulan ng isang tren na tila ice age pa,
Lamig sa loob ay di na mainda,
Sabik bumaba patungong divisoria.

Pagpasok sa mall, hanap aga’y banyo,
Lamig ng katawan ay doon hinubo,
Muling naranasang dumaloy ang dugo,
Ngayon ang problema’y tiyang kumukulo..

Masayang paglalakad, di bagot naman
Pagkat kausap ko itong si ate ann
Akala ko’y wala man lang syang anuman,
Sarap kausap, dami pang natutunan.

Sumakay na kami matapos maglakad,
Mababang lamig kung sa tre’y itutulad,
Gutom ay dama, isip ay lumilipad,
Buti’y may TV, “Mara Clara’y” bumungad.

Byaheng ‘sang oras, ang upo’y komportable,
Doo’y umidlip at natulog ng konte,
Saka nagising, sandaling pumirme,
Bulacan na pala, tapos ang biyahe.

Ngayo’y kamiy lulan ng isang punong jeep,
Ayaw umusod kaya napakasikip,
Pilit sumiksik kahit pa maipit,
Komportableng upo’y akin ding nakamit.

Minutong konti lang at kam’y bamaba,
Sila’y sinundan sa bahay nilang tita,
Kanilang pamilya at tatlong iba pa,
Lahat sila ay nais kong makilala.

Pamilya nyang tita’y dati nang nakita,
Kaya’t sila ay akin ng nakilala,
Si Amiel, ‘te Gel at si ate Inah,
Pati na rin ang mga magulang nila.

Sa bahay nila, guto’y aming pinawi,
Doon na rin ay nagpahingang sandali,
Nais mang muna doon ay manalagi,
Ngunit tila ba malalim na ang gabi.

Kami’y sumakay, sari-sariling pwesto,
Sa FX na bagahe pa lang ay puno,
Kami ay sik-sik at ako’y napa-dulo,
Di mapakali kung paano uupo.

Nang handa nang lahat, kami’y humayo na,
At habang daa’y sobra ‘kong natutuwa.
Sila’y nakausap, kuwentuhang masaya,
Ngunit kainis, antok saki’y tumama.

Sa bawat bayan na aming nadaanan,
Kami’y humihinto sa gasolinahan.
Doon naguunat ng aking katawan,
Pagtayo ko’y tila ako’y inumbagan.

Pagod at puyat doo’y aming inabot,
Haba ng biyahe, kami’y tila nilumot.
Sikip ng FX na tila kami’y utot,
Sa lamig ng daan ang hanap ay kumot.

Sa wakas ang bahay ng kanilang lola,
Ay aming sinapit at sabik bumaba.
Pagpasok ng bahay, higaa’y handa na,
Ang lupit ng tulog, umagang kay ganda.

Pagmulat ng mata’y maraming tao na,
Agad na bumangon, tanghali na pala.
Lababo’y hinarap, hilamos ng mukha,
At ang sipilyo ko’y muntikang mawala.

Matapos kumain, nagayos ng konti,
Walang magawa kundi magmuni-muni.
Biglang aking naisip, dati kong gawi,
Akin nang ginawa ‘tong tulang maikli.

Salamat sa Lord at kami’y iningatan,
Pagpapala Niya’y binigay ng lubusan.
Sa habang daa’y kami’y di iniwan,
Tunay ngang kami’y ‘di pinabayaan.

Salamat din po sa aking nakasama,
Sa tatay, discipler at akin ding kuya,
Salamat nga po sa iyong pagalaga,
Ikaw ay kasama saan man magpunta.

Salamat din, sa iyong paalala,
Pag ako’y nabagot,tinig mo’y dinig na.
Tatawagin ako’t makakausap ka,
Ako’y aayain, kung saan pupunta.

Gayun din naman sa iyo ate Ann,
Di ako nabore pagkat ikaw ay nanjan,
Salamat din po’t di ako iniiwan,
Pag ako’y mag-isa, ikaw ang takbuhan.

Sa’king naging ina sa konitng panahon,
Salamat po at ako’y inyong inampon.
Malasakit’ alaga’y libreng binuon,
Ika’y naging parte ng galak ko ngayon.

Maging sa mga taong aking nakita,
Mga tao na sa’kin ay nagpatawa.
Mga lahat ng taong aking nakasama,
Nais ko na ulit kayo ay makita.

Sana’y maulit ganitong pangyayari,
Upang kayo’y makita kong muli.
Salamat sa inyo, hanggang sa muli,
Kayo’y nakilala, kahit na sandali.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento