ni: Gauden Albert Geli-Reyes
I.
Lulan ng isang kay
rikit at mayuming bayan,
Na yinayakap ng
mapusok na kalayaan.
Sa tangkilik ng Poong
Maylikhang nalalaman,
Ang mga pangyayari
lalo sa gawing silangan.
II.
Ilang taon ring may
mga dayuhang dito’y nanahan,
Iba’t ibang lipi ang
sayo ay dumagan.
Ibang kultura at wika
ay iyong pinasan,
Ano nga bang nangyari
O Perlas ng Silangan?
III.
Bawat nasyon ay
mayroong kasanayan,
At ako’y naniniwalang
wika ang batayan.
Sapagkat ang wika’y ekspresyon ng kaalaman,
At ating nagagamit sa
pagkakakilanlan.
VI.
Wikang Filipino at matatag na lipunan,
Ano nga ba ang payak
at eksplosibong ugnayan?
Paanong wika’t lipuna’y susi sa kaunlaran?
Kung ang tingin
nati’y wala itong kakayahan?
V.
Ang wika ng bayan ay
ang lakas ng lipunan,
Pagkat sakop nito ang pagkakaunawaan.
Kailangan lamang na
maging isa’t magmahalan,
Na hahantong sa matiwasay na kaunlaran.
VI.
Wika’y tulay tungo sa kislap ng pagkakaisa,
Tungo sa init ng puso para sa isang bansa.
Sa daloy ng dugo ito
ay matatamasa,
Sa tibok ng puso, ito
ang sumasamba.
VII.
Saan pa mang dako, sa ligid ng kalawakan,
Wikang Filipino’y
gamitin ng may katuturan.
Mapakaliwa o kanan, mapatimog o silangan,
Ipagbunyi natin ang
simbolo ng kalayaan.
VIII.
Sino pa ba ang
gagamit nitong wikang kay yumi?
Hindi ba’t yaon rin
naming mga nagmamayari?
Kung isa lamang ang
wikang ating sinasabi,
Siguradong ang
mabuhay ay magiging madali.
IX.
Kung titingnan natin
ang pusod ng bansang Hapon,
Sadyang kamangha mangha ang kanilang mga taon.
Sa pamamagitan ng wika na kanilang baon,
Prosperidad ay
nakamit sa kakaunting ambon.
X.
Hindi naman ito lingid sa ating kaalaman,
At sa iyong sarili,
alam mong kaya naman.
Ngunit bakit tila hindi pa rin natin makamtan?
Kaunlaran ng bansa, Katatagan ng lipunan?
XI.
Palakasin ang diwa, kalabitin ang puso,
Pagibig sa wika,
hangganan hanggang dulo.
Pagmamahal at
pagiging isa’y ating isaulo,
Tungo sa matatag na lipunang Pilipino!
ang sipag mo naman gumawa.. :)
TumugonBurahinLordJESUSbless.
ipagpatuloy ang iyong mabuting gawain. ^^
Wahahaha! Salamat ate. :D Madami pa akong ipopost, abangan! :))
TumugonBurahin