Bilanggo’t alipin nitong kamangmangan,
At pinagkaitan niyong kamalayan.
Sakdal sa dusa, bulag sa kaalaman,
Hanggang sa
magningning ang kaliwanagan.
Ikaw ay ang taong
sa’kin ay nangalaga,
Nagtatayo sa’kin
tuwing ako’y nadarapa.
Ang kaaliwan sa oras na naghihina,
Aking inang giliw,
gabay ko’t aking tala.
Paru-parong kay
yumi niyong bulaklak,
Mga dahon sa puno’y nagsipapalakpak.
Busilak na pusong
sinlambot ng bulak,
Anong panghambing
pa ang sayo’y ilalagak?
Ako’y saludo sa iyong
kabutihan,
Lakas ng loob at iyong katapatan.
Anumang marating, ay ’di malilimutan,
Anghel sa lupang ako’y pinangalagaan.
Kaya’t buong puso akong nagpupuri,
Sa Diyos kong hari na sa’kin ay may-ari.
Pagkat biyaya ay ang inang kaybuti,
Nagbigay ng buhay, gabay na kapuri-puri.
Ibon man ay huhuni sa iyong kasipagan,
Leon ay mananangis sa iyong kabutihan.
Tala’y magniningning sa iyong katapatan,
O Anghel ng buhay, ilaw ng tahanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento