Sa silangang kutis ng mundong ibabaw,
Kung saan sumisilang itong Reynang Araw.
Sampu ng
malasuplang dagat ng ilaw,
Naroon ang bayan,
bayan ng halimaw.
Baluktot na buhay
ang iyong makikita,
Gawaing mabuti’y
walang mapapala.
Walang katarungan,
tao’y walang awa,
Nilalang sa
mundo’y buhay ng may sala.
Taliwas ang batas
sa yaon ay dapat,
Pag-asa rito’y sa pulang tubig nakalapat.
At buhay dito’y
tila tuyong dagat,
Na ang kabutiha’y
di santo ng lahat.
Lugmok sa sakit ang mga mahihirap,
Maging inuming
tubig ay kay ilap-ilap.
Sa araw araw ay tulala sa ulap,
Dalangin sa Diyos ay tupdin ang pangarap.
Karimarimarim at lalong lumalala,
Mga tuso dito’y sukdulang masasama.
Anumang nais,
ginagawang malaya,
Sa ugali’y tila
wala nang magagawa.
Diyos ko! O Diyos
ko! Sa ami’y mahabag ka!
Pagkaingatan sana itong aming lupa.
Ako’y patawarin
kung walang magawa,
Sa baying ito na
maging ika’y sinumpa!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento