Naglalaparang salamin sa’yong mga mata,
Mga kasukasua’y nananakit na.
Halinang halina sa awit niyong maya,
Sa lambing ng bata
ay kung anong saya.
Tuwa at galak ang
kanilang nadama,
Nang marinig sa
labi ng aking ina’t ama.
Sa sa sinapupunan ay naroon na,
Isang sanggol na
magbibigay ng ligaya.
Nang ako’y isilang
sa mundong ito,
Pangalawa sa
magulang ang mga haplos mo.
Dampi ng palad at
lambot ng ‘yong braso,
Init ng pagibig ay
damang dama ko.
Saking pagkukulang, ako’y patawarin,
Kinakatamaran na ika’y limutin.
Ang iyong kalingay pinipilit limutin,
Ako’y nagkamali, aking inaamin.
Lubos ang
pasasalamat sa iyong alay,
Sa’yong aruga at
kalinga mong tunay.
Sa isang musmos sa
sadyang walang malay,
Pagibig ang bigay,
diwa mong kay lantay.
Kaya’t buong lakas
kayong paglilingkuran,
At sa habambuhay
ay aalagaan.
Bilang sukli
sa’yong mabuting kanlungan,
Na kumalingang lubos sa’king kamusmusan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento