Maninipis na braso
ay mababanaagan,
Kung iyong
marapatin na ako’y pagmasdan.
Ngunit may ngiti
saking labi’t kasiyahan,
At hindi maitagong
sibol sa pusong kagalakan.
Ako’y isang taong
likas na maligaya,
Maging piranggot
saki’y nagpapasaya.
Ngunit sa likod ng
halakhaka’t mga tawa,
Doo’y nakukubli
aking pighati’t mga luha.
Yaong kalungkutang
mahihinuha,
Naguugat lang sa
sarili kong pamilya.
Kumpletos rekados
kung sila’y magbunganga,
Sa tuwing may mali
akong nagagawa.
Di yata makatao na saki’y ipadama,
Na lahat ng gawi’y walang kakuwenta-kuwenta.
Yaong mga matang nanlilisik ng kusa,
Lagi ay hiwatig na
mali
ang aking tama.
Lubos na nagsikap upang mapatunayan,
Aking maipakita ang mga kahusayan.
Ngunit kahit na anong medalya ang lulan,
Nagiisang nagbubunyi sa mga karangalan.
Ako’y isang batang uhaw sa pagkalinga,
Sa pag-ibig ay
kulang, liglig sa pagdurusa.
Nais maranasang
ngumiti ng may laya,
Ngiting pahiwatig ng tunay na ligaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento