Makinang na perlas
doon sa silangan,
Mayuming bayan ang
iyong masisilayan.
Kaban ng likas ay
bukal ng yaman,
Liglig sa inam ang
mga paraluman.
Sadyang kay yumi
kung ating pagmamasdan,
Mundo’y nakaratay sa katiwasayan.
Ngunit bakit tila pinagkakaitan?
Tagos sa laman ang mga kasamaan.
Di maipaliwanag
itong dilubyo,
Lason sa isipang
tigang nitong tao.
Hagupit at latay,
sagad hanggang buto,
Lasog ang puso
maging kaluluwa mo!
Sa bawat dahong sa
puno’y nalalanta,
Ilang mahihirap
ang lugmok sa dusa?
Sa bawat luhang
gumugulong sa mata,
Ilang buhay pa ang
dito’y mawawala?
O Diyos ko! Diyos
ko! Bakit nagkaganito?
Sakdal sa kirot
ang baying inampon mo!
Mayaman sa mahirap,
walang pagsanto!
Pagkapantay-pantay,
walang pagkatanto!
O inang bayan,
patawarin mo ako!
Walang magawa
upang muling itayo!
Iyong halimuyak ay
muling matamo,
Kailan? Sa higpit
ng sumpang walang puso!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento