Miyerkules, Enero 9, 2013

ANG MINIMITHING TAGUMPAY AT LIGAYA


Ni: Gauden Albert Geli-Reyes

Implasyon, edukasyon, at populasyon. Marahil, kung ating maririnig ang mga salitang ito, magpapantig ang ating mga tainga dahil sa paulit ulit na mga isyu na tumatalakay at sumusuyod sa bawat detalye ng mga ito. Ano nga ba ang kinalaman nila sa ating buhay? Bakit binibigyang pansin ang mga ganitong bagay? Bakit tampulan ang mga ito ng mga kurokuro’t mga kaisipang iba iba ang pansuri at paraan ng pagtalakay sa kung papaano ito nakaaapekto sa ating buhay, lipunan, ekonomiya, bansa at sa ating mundo?
                Tunay nga na ang pagtaas ng bilihin ay lubhang nakaaapekto sa ating lipunan at pagtabo ng ekonomiya. Kung ating susuriin, kasabay ng pagtaas ng presyo ng gasoline ay ang pagtaas rin ng presyo ng bilihin. Kasabay ng pagtaas ng mga bayarin sa eskuwelahan ay ang pagtaas rin ng kinokunsumo ng buong pamilya na kasabay rin naman ng pagkukulang at mga kakapusan. Naniniwala ako na marami ang nagngangalit sa tuwing may isang produkto, lalo pa’t ginagamit sa araw araw, ang tumataas ang presyo, ngunit sa naipasang batas na tinatawag na “Sin Tax Law,” isa ako sa mga tao na nagbubunyi at nagpapasalamat sa Diyos. Upang maging totoo, nais kong aminin na ang tanging pagkakaalam ko sa depenisyon ng Sin Tax Law ay ang tuwirang pagtataas ng presyo ng tabako at mga sigarilyo. Lubos na ikinasiya ng aking puso ang pagkakapasa nito sapagkat ang aking ama ay isa sa mga “notorious user” ng sigarilyo dito sa ating bansa. Kaya naman, dahil sa mataas na presyo nito, nababawasan ang bilang ng mga sigarilyo na kaniyang binibili. At naniniwala ako na sa pagtagal ng panahon, sa pagaupos ng mga araw, sa pagkaabo ng mga taon, matututuhan, hindi lang ng aking ama kundi ng lahat ng mga tao, bata, matanda, payat o mataba, ang pagpipigil sa sariling hindi na gumamit ng sigarilyo. Isa sa mga maaaring maging epekto nito ay ang pagiging masigla ng bawat isa, hindi lamang ng taong tumigil sa paninigarilyo, kundi maging ang taong natigil na rin ang pagdurusa sa paglangahap ng tinatawag na “Second hand Smoke.”
                Isa rin sa pinakamainit na isyu ngayon sa ating lipunan ay ang mga isyung pangedukasyon. Tunay na edukasyon na tila pailap na pailap na sa kahit saang uri ng tao sa sanlibutan. Isa itong malaking problema. Sapagkat, naniniwala ako sa kasabihang “Education is the key to Success.” Eh, paano na nga kung unti unti nang nawawala sa tuwid na landas ang mga kabataan ngayon? Na tinitingnan nila ang edukasyon bilang mabigat na pasanin? At bilang resulata, tulad ng pagtingin nila sa edukasyon, sila rin nama’y nagiging problema at pabigat sa lipunan. Kung mapapansin natin, mayaman man o mahirap sa panahon ngayon ay hindi nakakalusot sa hayok ng magulong pagiisip na itinatanim ng mapusok na katusuan ditto sa ating mundo. Masamang bagay ito. At nararapat pigilan. Kaya naman, aking kinikilala ang mga programa na idinaraos ginagawa ng pamahalaan upang lalong mapaunlad at mapagtibay ang kalidad ng pagtuturo at pagaaral sa pribado man o pampublikong paaralan. Isa na ditto ang tinatawag na “K12 Program” na naglalayong mas mapataas ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Sa programang ito, dadagdagan ng ilang taon ang pagaaral ng mga Pilipinong kabataan upang sa gayon ay mas maging maganda ang kinabukasan ng mga ito. Sinasabi rin na possible, sa mga estudyanteng nasakupan ng programang ito, matapos ang kanilang pagaaral ng hayskul ay maaari na silang makapagtrabaho agad kahit hindi pa sila nakapagkokolehiyo. Marami ang sangayon ditto, ngunit sa aking napapansin, mas dominante ang mga hindi sumasangayon sa programang ito. Katuwiran ng isang estudyante na nagaaral sa Muntinlupa National High School, na naabutan ng K12 Program, at siya’y Grade 7 ngayon, “Mahirap na nga pong magaral, tapos dadagdagan pa nila ang taon ng pagaaral? Baka lalo kaming tamarin sa pagaaral namin. Sila kaya magaral ng matagal kundi sila mabagot!” Ayon din naman sa isang ina na aking nakapanayam, “hindi rin ako pabor sa K12 Program na yan. Mahirap ang buhay ngayon. Mahirap nang makapagpatapos ng mga anak. Lalo na sa amin, anim ang mga anak ko. At ang asawa ko lang nagtatrabaho.” Nakalulungkot na mapakinggan ang kanilang mga hinaing sapagkat kundi kahirapan sa buhay ang mababanaagan sa kanilang mga salita at mukha, katamaran ang iyong masisilayan. Ngunit, para sa akin, magiging maganda rin ang kalalabasan ng programang ito kung mapamamahalaan ng ayos. Kung matutustusan ang lahat ng pangangailangan at kung mabibigyang pansin ang mga kakulangan ng bawat mamamayan. Kung marami ang makapagtatapos ng edukasyon na may mataas na kalidad, tataas rin, panigurado ang kalidad ng buhay sa ating bansa na kasabay rin ng pagtaas ng tingin ng mga negosyanteng dayuhan na mamumuhunan ng kanilang negosyo sa ating bansa na sa gayon, magkakaroon ng trabaho ang mga mamamayan, uunlad ang bayan, uunlad ang lipunan, tataas ang antas ng ekonomiya.
                Isa rin sa mga tinatalak sa kumpol ng mga tsimosa sa tindahan sa kanto ay ang usapang pampopulasyon lalo na ang kapapasa lang na batas na naglalayong mapigilan ang lubusang paglobo ng bilang ng mga tao sa ating bansa na tinatawag na “RH Bill.” Tulad nga ng nabanggit, ito ay isang batas na nagbibigay suhestiyon kung papaanong mapipigilan ang tuwirang pagdami ng mga tao. Isa sa mga ginagawa ng programang ito ay ang pagmumudmod ng condoms at mga contraceptives sa mga mamamayan na kanilang hinihinuhang nakatutulong sa pagliit o pagmemaintain ng bilang ng mga tao sa ating bansa. Maganda ang kanilang programa, ngunit sa kabila noon, marami pa rin sa ating mga kababayan ang tutol sa batas na ito. Sinasabi nila na kung ang pera daw na ginagasta para sa batas na iyan ay ubunibigay na lamang sa mga mahihirap, mag magiging produktibo ang pondong inilalaan nila sa tila daw basurang batas. Ngunit, sa kabilang banda, isa ako sa mga mamamayang nais tumugon sa mga panayam ng ating mga kababayang tila wala suporta kailanman sa ating pamahalaan. Sinasabi nga na, “Hindi mo kasalanan ipinanganak ka nang mahirap, ang kasalanan ay kung mamamatay ka pa ring mahirap.” Hindi kasalanan ng pamahalaan ang paghihirap ng kanilang mga pamilya, bunga lamang ito ng kakitidan ng kanilang mga isipan, katamaran, at kawalang disiplina sa sarili. Kung noon pa man ay nagsikap sila sa pagpapaunlad ng buhay nila, hindi sana sila naghihinaing ng ganiyan. Wala silang maikakatuwiran, kesyo, wala silang pera, wala silang kakayahan, hindi kaya ng kanilang pamilya. Ngunit, isa lamang ang aking nais itugon sa kanilang mga walang saysay na mga pangungusap, “Kung gusto, may paraan, kung ayaw, maraming dahilan.” Naniniwala ako na magiging maganda ang tugon ng hinaharap sa batas na ito kung magagamit ng ayos ang mga pondong inilalaan para dito sapagkat, sa pagliit ng bilang ng populasyon, liliit rin naman ang bilang mga di kanaisn nais na mga bagay na palagiang nagaganap sa ating lipunang ginagalawan tulad ng krimen, aborsiyon, kakulangan sa pera, kakulangan sa pagkain at napakarami pang iba. At sa pagkakataong ito, may pagasa nang umunlad at bumulusok pataas ang bansang tinaguriang, “Perlas ng Silangan.”
                Naniniwala ako na makatutulong ang bawat batas na ipinalalabas ng pamahalaan. Matalino sila, napagaralan na nila yan. Maraming mahuhusay na tao na rin ang kumilatis ng bawat programang kanilang iminumungkahi. At hindi rin naman ito masasakatuparan kung walang pagaapruba an gating pangulo na inihalal. Bakit? Wala ba kayong tiwala sa mga taong inyong ibinoto? Wala ba kayong tiwala sa mga kakayahan at kanilang mga katalinuhan? Kailangan na lamang nating magtiwala sa mga taong may hawak sa mga programang ito at sa kung ano ang susunod nilang mga hakbangin upang maisakatuparan ng matiwasay ang kanilang mga batas na matagal na ring pinagisipan. Wag tayong magreklamo sa una pa lamang sapagkat hindi pa natin nakikita at nadarama ang kabuuang epekto ng layunin ng katas ng talinong Pilipino. Imbis na magrally sa kung saan saan, magtrabaho na lamang kayo at magyos ng sarili ninyong buhay upang umunlad ang inyong pamilya. Imbis na gumawa kayo ng mga kabalbalan laban sa pamahalaan, sumunod na lamang tayo sa kanilang mga alituntunin upang walang gulo, maayos ang lahat, matiwasay ang kalooban, maunlad ang buhay. Tayo’y maging responsible sa lahat ng aspeto n gating buhay, maging matalino, masipag, masigasig at magbago. Pagbabago ng isip, salita at gawa patungo sa pagabot ng minimithing tagumpay at ligaya.

PROPESIYA MATAPOS ANG ISANG DEKADA


Ni: Gauden Albert Geli-Reyes

“Sergio, pag laki mo, ano gusto mong maging?” “Hm? Pangarap ko pong maging pulis, para mahuli ko po yung mga magnanakaw.” “Eh ikaw naman Melay? Anong gusto mong maging pag nakatapos ko na ng pagaaral mo?” “Gusto ko pong maging teacher para maturuan kop o yung mga batang hindi nakakapagaral.” “Eee, ikaw naman Neneng, anong gusto mong maging paglaki mo?” “Hm? Gusto kop o maging Doktor, para matulungan kop o yung mga may sakit.” Tuwing manonood akong ng kung ano mang palabas sa telebisyon na kung saan ay may pinapanayam na mga bata. Maging ikaw, kung tatangkain mong tanungin ang iyong nakababatang kapatid, o pamangkin, mga apo, o maging ang mga bata sa lansangan at paligid mo, marahil ay aydentikal sa mga nabanggit ang kanilang isasagot sayo. O kung hindi man, hindi nalalayo ang kanilang mga isasagot sa dahilan at mga katuwiran  patungkol sa kanilang mga pangarap at kagustuhan.
Tulad ng isang bata, nangangarap ako at nananaginip ng napakaraming bagay na nais kong mangyari sa aking buhay. Ngunit, upang maging totoo, inaamin ko na hindi iisa lamang ang nais kong patunguhan sa buhay. Marami akong hinahangad. At magulo ang aking isipan. Hanggang ngayon, sa katunayan, hindi ko pa rin alam ang dapat kong kunin na kurso sa kolehiyo kahit na ilang buwan na lamang ay magtatapos na ako sa sekondarya. Ngunit nais kong ihandog ang sulating ito sa aking mga kamagaral na halos tatlong taon ko na ring kasama sa mga tawanan, iyakan, kulitan, asaran, sa aking mga laban, kalungkutan, kasiyahan at sa lahat ng bagay. Sa king pamamalagi sa dalawang magkaibang kuwadradong kuwarto sa loob ng halos na tatlong taon na kasama ang aking mga kamagaral magpasahanggang ngayon, nakilatis at nakilala ko ang kanilang ng personalidad na maaari kong iguhit sa papel ng kapalaran kung ano ang dapat at nababagay na tayuan nila sa hinaharap. At sa sulating ito, nais kong maghayag ng isang bisyon sa hinaharap na inihahahin sa inyo ng aking mapaglaong sintido. Nawa kayo’y masiyahan sa pagtuklas ng mga bagay na may posibilidad na mangyari sa hinaharap. Sa pagtuklas ng aking, “Propesiya Matapos ang isang Dekada.”
            Isang napakatahimik na umaga, matapos maligo, magalmusal at magehersisyo ng kaunti, minarapat ko nang pumasok sa eskwelahan upang katagpuin na ang aking mga estudyanteng nagaabang sa aking pagtuturo. Nakita kong flat ang gulong ng kotse ko. “Nakakaasar naman! Bakit? Anong nangyari? Wala na akong oras para magayos. Teka. Kuya Francis!!!!!!” “Po?” “Flat po yung gulong ng kotse ko. Pakiayos nalang po. Salamat.” “Opo sir. Sige po.” Wala akong magagawa kundi maglakad sapagkat wala naming napasok na jeep kahit tricycle man lang sa loob ng village namin. Kaya naman naglakad nalang ako. Sa aking paglalakad, habang pinakikingkan ang awiting tumutugtog sa aking mga tainga gamit ang aking magarang telepono, mayroon akong nadaanang isang tindahan ng mga damit, ung tipong may manikin sa likod ng mga malilinaw na salamin na nagsusuot ng mga magagarang mga kasuotang tila isang propesyonal ang nagdisenyo at tumahi. Kaya naman minarapat kong pasukin upang tumingin na din ng aking susuotin sa napipinto naming class reunion ng aking mga kamagaral noong ikaapat na taon sa hayskul. Napansin ko agad ang isang kuwadradong bagay na may led lights na paulit ulit na umiilaw na nakapaskil sa kisame ng tindahang iyon na may nasusulat na “Tan’s Botique.” At naalala ko ang ipinalabas sa telebisyon noong isang gabi, na “Tan’s Botique” din ang pangalan ng pinakasaikat na fashion designing company sa buong Pilipinas, at nagtatatag din naman ng pangalan nito sa ibang bansa. At sa aking pagmamasid, may biglang tumawag sa akin at sinabing, “Sir? What can I do for you?” Nasa isip ko, “Aba? Napakaarte naman magenglish nitong babaeng ito! Paslang slang pa. Pero in all fairness, bagay naman. Tska, sosyal nga pala itong shop na ito.” Paglingon ko sa likod ay bumungad sakin ang isang babaeng medyo maliit, malalaki ang mga mata, wagas ang mga kolorete sa mukha, medyo may konting pagkamataba, at mukhang matalino kung tumindig at tumingin. “Sir? Barong? Amerikana? Or what?” Tila nakakapangasar ang boses niya sapagkat masyado maarte. “Anything miss. Basta yung bagay sakin and where I would look perfect.” “Aaa? Para saan po ba?” “Para sa reunion namin ng mga kaklase ko noong hayskul.” Tila nagpantig ang tainga nung babae. “Huh?” “Bakit? What’s wrong?” “Wait mister. Saan yang reunion na yan? Kalian? At, sino ang nag organize?” “Hm? Why? What’s with you? Nagtatanong lang ako ng maisusuot, tapos tatanungin mo ako ng ganiyan? Huh?” “Pardon me sir. We’re also be having our class reunion this coming January 13 that would be held at the World trade Center and…..” Biglang tila bumaliktad ang sukmura ko! “Oh? Wow? Kaklase ba kita? Si Bob din ba ang naginform sayo na magrereunion tayo? Very identical ang mga informations! Di ako pwedeng magkamali.” “Gosh! Yes! Full name please?” “Gauden Albert Reyes. And you?” “Pau----” “Oh yes! Pauline Tan! Maria Pauline M. Tan! Fashion designer ka nap ala ngayon? Ang gaganda ng mga designs mo aa?” “Oh thank you darling. Pinagpupuyatan ko ang mga yan, as usual! How can you rejoice with the bags below my eyes? HAHAHA.” “Oo nga! At napakaarte mo pa rin magsalita!” “Well, that’s life, wala naming nagbago. Ocya? Sukatan na kita? I will give you my very best design ever.” “Ocya, tara. Salamat aa?” //////////////KRINGKRING///////////// “Oy teka, may nagtext sakin.” <Sir, andito nap o kaming lahat. Nasan na po kayo?> Naku! Hm? Next time na nga lang. Mamaya nalang paguwi ko ako magpapasukat dito. “Pau! Later na lang ako magpapasukat. I have to go. Hinahanap nako ng mga estudyante ko.” “Ah? I see. Pero teka? Estudyante? Teacher ka?” “Hm?” At ako’y tumango na lamang. “Ocya, babalik nalang ako mamaya. Anong oras ka ba nagsasara?” “Ahmm. Mga 8-9pm darling.” “Aaa. Late na din pala. Aabot ako for sure. Sige, dadaan nalang ulit ako later. Goodbye.” “Bye!” Ako ay lumabas na ng shop. Naglakad na akong muli patungong eskuwelahan na aking papasukan, kung saan naghihintay na sakin ang aking mga tuturuan na tumawag na rin isang minuto ang nakalipas, kaya naman, nagmadali na ako. Sa wakas ay nakarating nako sa eskuwelahan. Sa aking pagtuturo, lubos kong ikinagulat ang biglaang pagpapalit namin ng punong guro. Mr. Guemo raw ang apelido at ang lubos ko pang ikinagulat ay ang pagdalaw agad nito sa aming kuwarto. Bumati ang mga estudyante at yumuko naman ako. Ngunit bigla akong napabalikwas nang pumukol sa aking isipan ang mukha n gaming bagong punong guro at bigla kong nasabi, “Jerome?” Nagulat din ito at sinabi. “Kilala mo ako?” “Jerome Guemo ng Archimedes dati? Tanda mo pa ba ako?” “Hm? Teka, Gauden? Ikaw ba yan? Ibang iba na itsura mo ngayon aa?” “Hm? Onga! Ikaw nga! Class, kaklase ko siya noong hayskul, siya ang naging top 1 at valedictorian namin noon.” Nagpalakpakan naman ang mga estudyante ko. “O? Kamusta ka na?” “Ayos lang naman ako. Kala ko magteteacher ka lang, magpiprincipal pala! Hihi.” “Di ko rin inakala. Ocya, marami pa akong aasikasuhin, kaya aalis na muna ako. See you sa reunion, bye.” “Ocge po. Paalam.” At siya’y umalis na. Ako’y nagturo at makalipas ang mga tatlong oras, nakadama na ako ng gutom. Paglingon ko sa aking orasan, mag aala una na pala. Naisip ko na gutom at pagod na rin ang mga bata. Kaya’t pinauwi ko na sila at habang ako’y nagaayos ng aking mga gamit, biglang tumunog ang aking telepono. May nagtext yata. Kaya’t tinignan ko. //////////1 Message Received//////////// Aba? Meron nga. Sino kaya ito? /////Camille Malamo///////
Uy. Nqagtext si Camz? Bakit kaya? ////////Opening Message//////// <Gauden, wanna lunch? Treat ko.> Aba? Cgecge! Gutom na rin ako ee. Kaya naman nagreply ako at pumayag. Sinabi niya na magkita na lamang kami sa tapat ng “Kumag Hotel” na sikat na sikat sa Manila ngayon. Kaya naman dali dali rin akong nagpunta doon. Ngunit wala pa si Camz nang makarating ako. Kaya naman pumasok muna ako sa loob ng magarang hotel at nagpalamig. Sa kasagsagan ng aking masarap na pagkakaupo, biglang may nasilayan akong limang babaeng tunay nang mukhang mayaman at magagara. Sila’y lumapit sa akin. At nagtanong, “Why are you sitting there?” “Oh? Ma’am, Im sorry, I am just trying to take a nap. Im sorry. Gonna go. Thank you.” “No. No. We mean.. Why are you sitting there? When there’s a free bedroom inside. You can stay there and take a nap.” “No. no ma’am. Thank you. Im just waiting for a friend to arrive. Anyways, my name is Gauden Reyes. And you?” Nagtinginan sila nang hindi ko nalalaman ang kadahilanan. “Gauden? Ikaw bay an?” sabay sabay halos silang nagsalita at ako’y talagangn nabigla. “Hm? Opo. Ako nga? Kilala niyo ako?” Bigla akong binatukan ng isa at sinabing, “Ilang taon tayong naging magkaklase at magbesfriend! Tapos ngayon hindi mo na ako maalala? Shunga ka?” “Hm? Teka, Ana Marie? Mezzay? Trisha? Sharms? Ate Bevs? Kayo ba yan?” Isa isa ko silang tinuro at tila nagsuhestiyon ng mga pangalan. “Oo. Gude! Kami nga ito!” “Ay sorry, di ko na kayo nakilala. Mga sosyal na kayo. HAHAHAHA. YAMAN! Teka? Bakit kayo nandito?” “Hm? Hoy Gude! Ikaw ang bakit nandito? Nandito kami sapagkat, malamang, amin tong hotel, shunga lang?” “Ah? Talaga? YAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN!!!!” “Oy, wag ka maiskandalo ditto! HAHAHA. Nakakhiya ka.” “Ay sorry.” At biglang may pumasok sa pintuan na isang napakagandang dalaga. Na tila model kung manumit. “Uy. Si camz yan. Lokohin natin!” Napangiti nalang ang lima. “Uy! Camz! Inaaway nila ako! Pinapalis nila ako!” “Oh? Bakit naman Mareng at pinapaalis niyo siya? Di niyo na siya kilala?” Huh? Hm? Kilala niya? Nakakhiya. “HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.” Bigla nalang akong tumawa ng malakas upang mapagtakpan ang aking pagkapahiya. “Joke lang. Hehe.” “nakakahiya ka talaga! Makatawa ka!” “Hihi. Sorry ulit. Ocya Camz? Lets go? Maiwan na namin kayo. Bye.” “Bye Girls.” Sunod na sabi ni Camz. Lumabas na kami ng hotel at sumakay sa kotse ni Camz. Habang nasa biyahe, tinanong ko siya kung kamusta na ang trabaho niya bilang isang production manager ng isang kilalang tv station. Madami siyang ikinwento hanggang sa makababa kami sa isang sosyal na restaurant. Pagpasok naming ay sinalubong agad kami ng napakagandang mga paintings na tunay na kahanga hanga. Katabi ng mga ito ang isang napakalaking karatulang may nakasulat na, “Leo’s Gate (with friends).” Medyo natawa ako sa pangalan kasi parang bata. Parang Thomas and friends lang. Hihi. Pero habang tinitingnan ko ang mga paintings sa pader, namamangha ako sa mga ito. Bigla naman lumabas ang talong kalalakihan kasama ang isang babae. Mukhang paalis na sila. “Grace Joy!” sumigaw bigla si camz. Aba, sila Grace Joy pala iyon kasama si Matt, Eric at si Leo, ang mayari ng restaurant. Ang tatlo naman ay mga co-owners. Kaya pala, “with friends.” Hehehe. Nakakatuwa naman. Sila pala ay sabay sabay nagtapos sa parehong pare parehong kurso at eskuwelahan. Hindi na sila nagtagal at umalis na din. Nagmamadali na kasi sila. Kumain na kami, nakapagusap, nang may biglang lumapit saming dalawang tao, at biglang nag HI. Nagulat ako na si Jabo pala yun tska si Cristy, at magkaholding hands sila? Hm? I smell something fishy. “Uy! Kayo pala yan? Kayo ba?” “Hahaha. Patawa ka talaga, Gauden. Hindi kami noh?” “Eeee? Bakit????” “kasi kasal na kami. Sa katunayan nga, buntis ako. 3 months.” “Oh? Talaga? Astig? Parang dati, lagi lang kayo nagaasaran at nagaaway. Pero ngayon…..” “Well, Gauden, that’s life, past will remain past.” “Laki talaga ng boses mo Jabo! Hehehe. Wala naman nagbago. HAHAHAHA.” Matagal din kami nakapagkuwentuhan, nakuwento nga nila Cristy at Jabo ang kanilang love story maging ang kanilang mga trabaho. Sa totoo nga’y kakauwi lang dito ni Cristy sa Pilipinas sapagkat sa ibang bansa siya nagtatrabaho bilang isang sikat na Modelo sa Amerika. Si Jabo naman ay nakaupo sa isang mataas na posisyon sa Banko Sentral ng Pilipinas. Naikuwento niya rin na kasama nila si Bob, Jelmer at June sa Banko Santral nagtatrabaho. Humaba ng humaba ang aming diskusyon hanggang sa Dumilim na. Naalala kong kailangan ko nga palang dumaan sa shop ni Pauline para magpasukat ng aking susuoting damit para sa aming reunion. Kaya naman nanguna na ako sa pagpapaalam. Isinabay na rin naman ako ni Camz sa kaniyang magarang sasakyan at inihatid sa shop ni Pauline. Pagdating sa shop ni Pauline, agad agad akong nagpasukat at umuwi ng bahay upang asikasuhin ang mga papeles ko papuntang Korea. Kaya naman umuwi ako ng maaga at natapos ko ang aking mga gagawin….
            Matapos ang ilang araw, dumating din ang oras na aking pinakahihintay, suot ang aking putting amerikana, punting pantalon at puting sapatos, sumakay na ako ng aking mgarang sasakyan patungo sa World trade Center upang umattend n gaming reunion. Magkahalong kaba, kasiyahan, takot at pagkasabik ang aking nadadama. Nasasabik akong Makita silang lahat muli. Sa aking pagdating, pagkababa pa lamang ng aking sasakyan, sandamakmadk na camera flash na ang sumasalubong sa akin. “Napakagara naman ng reunion na ito!” Nakakatuwa ang mga palamuti at mga ilaw. Matapos ko magregister, pumasok na ako at laking gulat ko at halos lahat ay nandoon na. At....... “Batiin natin si GAUDEN ALBERT REYES! Dumating din siya sa wakas! Ikaw nalang hinihintay namin bro! di ka na nagbago! Late ka pa rin!” Nagtawanan ang lahat. Nahiya naman ako.
            Nagsimula na ang programa, sandamakmak na artista ang nagbigay ng tangin bilang, sumayaw, kumanta, tumula, at napakarami pang iba. Ngunit ang pinakagusto kong bahagi noon ay ang muling pagpapakilala ng isat isa. Nalaman ko na si Judy at si Rosemae ay mga propesyunal na Flight Attendant. At ang labis ko pang ipinagtaka at mas matangkad na si Rosemae kay Judy. Hihi. Si April at si Joan naman ay isa nang matagumpay na Civil Engineer sa Japan. Si Efren naman ay isa sa mga Pinaka sikat na mangaawit ng aming henerasyon. Si Ace naman ay ang pinaka guwapong model ngayon ng ibat ibang brand ng pabango’t mga damit. Si Rexor at Renzron naman ay mga mayayamang tao na nagmamayari ng kanikanilang mga kumpanya. Si Mia naman at si Jhonny ay nagmamayari ng iisang kumpaniya na nagpoproduce ng ibat ibang mga produktong ipinapadala sa ibang bansa. Kagulat gulat naman na si Karen at si Gio ay nagging magasawa at mayroon na silang kambal na anak na nagngangalang Marvin at Donalyn. Si Jedd naman ay isa nang sikat na model ng walang kakupas kupas na bench at sikat na model din sa Korea. Si Lady naman at Shaira ay matalik na magkaibigan pa rin hanggang ngayon at nagtayo sila ng malaking shop sa Hongkong kung saan puro Hello Kitty ang tinitinda. Si Paola naman, ay isa sa mga co-owner ni Mary Joy sa kumpanyang nagpoprodus ng pinakamagagandang gadgets. Si Jemari nama’y isa nang accountant at namumuhay sa piling ng kaniyang asawa na si Jelmer na nagtatrabaho rin sa Banko Sentral. Mukhang mayaman sila! Hihi. Si Paolo naman, asawa ni Betty na isa sa mga nagmamayari ng pinakamahal na kumpanya ng mga sapatos ay isa na ngayong seaman tulad din ni Mickal, na sa katunayan, ay kakauwi lang nila ng bansa kahapon. Si Angelo at Maderazo naman ay mga makisig at tinitingalang Pulis sa lipunan ngayon.. At isang kagulat gulat na bagay na si Jessel ay isa na ngayong Radio DJ. Siya pala yung favorite ko! Hihihi. :)
            At noong oras na ako na ang magpapakilala. Habang akoy’ naklalakad patungo sa entablado, naririnig ang masigabong palakpakan at ang ilaw na malakas at \mainit ay nakatutok sakin, ako’y kinakabahan at pinapapawisan kahit malamig naman doon at hindi ko maintindihan. Tumayo ako ng maayos at saka ako nagsalita. “First of all, I wanna thank God for this kind of opportunity to have you again ang to mingle with you guys. Secondly, I wanna thank Bob, for doing every effort just to make this things possible, and lastly, I wanna thank all of you for being here, and for being a part of my life. Everything happends for a reason. At bakit? Ano ang reason at huli niyo akong pinagsalita ditto? Ha? HAHAHA! :D” Nagtawanan naman ang lahat. “Pero anyways, Today, I am living peacefully sa sarili kong bahay. Hindi siya ganun kalaki, ngunit ako’y satisfied sa kung ano ang meron ako sapagkat pinaghirapan ko ang lahat ng meron ako nagyon. Ako ay single, available, and… Nevermind.. Hehehe. Sa mga nagtatanong ng aking propesiyon, ako po ay isang guro. Guro sa musika sa University of Asia and the Pacific. And also, I am the chorale conductor of the said school. Yes, I’m a teacher, and im proud of it.” “Teka, Gauden, naguguluhan lang ako, hindi ba’t ang University of Asia and the Pacific Chorale ang ngayon ay pinakahinahangaang chorale group sa buong Pilipinas, at sa buong mundo?” “I… I… I… Ewan. Hehe. I think yes. But it’s all for God’s glory. As long as we are all doing our best to glorify God, we will succeed in anyways, and in every ways. Yes. And That’s all for today. Salamat po. And may we enjoy this night! J
            Doon na rin nagtatapos ang aking istoriya. Medyo mahaba ngunit pinilit kong paikliin. Ngunit hindi ko talaga kaya. At sa bawat tauhang nabanggit sa kuwento, base ito sa aking mga nakikita at naoobserbahan sa loob ng apat na sulok na kuwartong aming pinalalagian araw araw. Ngunit, hindi ko sinasabing lahat ng ito ay mangayayri, maaaring meron sa mga ito ang matupad ngunit hindi lahat sapagkat naniniwala ako na ang Diyos pa rin na may lalang ng langit at lupa ang nakakaalam sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap at sa kung ano an gaming magiging buhay sa hinaharap. Kaya naman, ang tanging magagagawa lamang natin, upang umunlad an gating buhay, sumunod, maglinkod at magmahal sa Kaniya na ating manlilikha, na sa kung gayon, tayo’y Kaniyang pagpapalain at bibigyang ng magandang buhay sa hinaharap. Magandang araw, pagpalain nawa tayo ng Diyos, at salamat.

PAGMAMAHAL, PAG-IBIG AT PAGSUYO


Ni: Gauden Albert Geli-Reyes

Gabriela Silang, Tandang Sora, Cory Aquino, at napakarami pang iba. Yan ay ilan lamang sa mga Pilipinang tanayag sa lipunan na sa paglipas ng mga panahon at sa pagkaupos ng mga araw, ay nagpakita ng kanikanilang mga kakanyahan at kalakasan tulad rin ng iba pang mga kababaihan sa iba pang mga bansa sa buong sansinukob. Ito lamang ay nagpapatunay na maging ang mga “Eba” ng ating henerasyon ngayon ay may kapangyarihang humanay sa mga “Adan” at sa mga kaproduktibuhan ng mga ito.
            Kung ating babalikan ang nakaraan, masislayan ng ating mga makutingting na mga isipan na tanging ang mga kalalakihan lamang ang may karapatan na gumalaw at maging parte sa kahit anumang detalye ng ng kasaysayan, na nagpapahayag lamang ng malinaw na hindi prayoridad ang mga kababaihan simula pa noon. Kung ating mababasa sa Biblia, ang mga kababaihan ay nararapat na manatili na lamang sa kanilang kabahayan, maging ina, at magsilbi sa kani-kanilang mga asawa. Ngunit sa panahon ngayon, unti unti na ring binubulalas ng mga “Eba” ng kasalikuyan ang kanilang mga kakayahan at kasanayan. Kakayahang hindi matutumbasan ng kahit anumang kayamanan sa sanlibutan.
            Naniniwala ako na karapat dapat na pagalayan ng paghanga ang mga kabaihang nag-alay rin ng kanilang mga kakayahan at buhay upang makibahagi sa pagpapatuloy ng pagikot ng ating mundo. At sa ganitong mga bagay, tunay na hinahangaan ko ang aking minamahal na ina. Siya ay nagngangalang Rosemarie Geli-Reyes. Ang aming ilaw ng tahanan, tanglaw sa aming dinaraanan.
            Kung ako ang tatanungin, kung saan ko maaaring ihalintulad ang aking ina, maaari kong sagutin na, Siya ay tila isang matayog at matibay na punong hitik sa mga bunga’t mabulaklak. Sapagkat nakikita ko na siya ay isang matibay na babae. Siya ay isang matatag na ina. Na sa kahit anumang hamon ng buhay, kahit anumang problema ang dumating sa aming pamilya, siya ay nananatili pa ring nakatayo at naninindigan, nagbibigay huwaran sa amin na hindi dapat na sumusuko sa mga problema bagkus ay magpatuloy sa paggawa ng tama at gamitin ang mga pagdurusang it bilang mga instumento at insirasyon sa ating paglago sa pagiging tao, mamamayang Pilipino at sa pagiging kristiyano. Nasabi ko naman na ang aking ina ay tila isang punong hitik sa bunga sa pareho din naman kadahilanan. Katulad nga ng kaniyang sinasabi sa amin na magpatuloy sa paggawa ng tama at gamitin ang mga pagdurusang it bilang mga instumento at insirasyon sa ating paglago sa pagiging tao, mamamayang Pilipino at sa pagiging kristiyano kung saan matututo kami ng napakaraming mga bagay na maaari naming magamit sa araw araw na kung saan kami ay lalago at magbubunga ng madaming mabubuting mga bagay katulad ng ipinamamalas at ipinapakita ng aking ina. Nasabi ko rin naming siya ay isang punong mabulaklas sapagkat, para sa akin, kahit hindi man sa inoyng paningin, siya ang pinakamagandang babae sa mundo. Ika nga sa isang awitin, “You’re always be beautiful in my eyes,” na sa kabila ng anumang karungisan, kulubot, putting buhok, katabaan, at iba pang mga hindi magagandang katangian niyang pisikal, mananatili ang aking paghanga at pagtingin sa kaniya bilang pinakamaganda tulad ng isang bulaklak na mahalimuyak at namumukadkad sa anumang panahon.
            Hindi ko ikakailang ang puso ko’y lubos na nagpapasalamat sa Poong Maykapal sapagkat binigyan niya ako ng isang inang mabuti, maunawain (kahit siya’y mabunganga), mabait, mapagmahal at napakarami pang iba. Hindi ko man maipakita sa salita at sa gawa, ngunit sa aking isipan, hindi mawawaglit ang aking pagmamahal bilang isang anak na iyong inaruga’t inalagaan. Nais ko rin naming magpasalamat sa iyo, aking ina, sa lahat. Unang una sa buhay na aking tinatamasa ngayon at maging sa pagkakataong mabuhay. Hindi kakayanin ng aking mga daliri na pumindot pa ng pumundot upang ihayag ang lahat ng iyong kabutihan sa akin. Ngunit alam ng Diyos kung gaano ka nagging mabuti sa aking at sa aking mga kapatid. Salamat inay. Salamat.
            Katulad nga ng lagging sinasabi sa akin ng aking butihing pastor, “Habang buhay pa sila, lagi mong ipakita ang iyong pagmamahal, sapagkat hindi na nila mararamdaman yan, kait isigaw mo pa ng malakas ay hindi na rin naman nila iyan maririnig kapag sila’y nakapikit na sa ataul at kinuha na ng Diyos ang kanilang mga buhay.” Mahirap ngunit kailangang gaiwn, lalo pa’t hindi naman natin nakasanayan. Patuloy nating ipakita sa kanila an gating pagmamahal. Ipadama ang ating nadaramang pagibig at pagsuyo. Pagmamahal sa mga taong nagbigay sa atin ng buhay, pag big sa mga taong nangalaga at nagaruga sa atin, at pagsuyo sa mga taong nagging ilaw, liwanag, at gabay sa pagtahak sa anumang hamon ng buhay.

REGALONG HINDI MATUTUMBASAN NG ANUMANG KASAGANAHAN


Ni: Gauden Albert Geli-Reyes

“Ili ili, tulog anay, wala diri imong nanay. Katotienda, bakal papay, ili ili, tulog anay...” Karamihan sa mga tao, laong lalo na sa ating bansang Pilipinas, tinitingnan ang awiting ito na isang awiting panakot o kakilakilabot. Kadalasan sa mga pelikulang Pilipinong naglalayong makapanakot o makapanggulat, ginagamit nila ang awiting ito upang makapangabog ng puso ng manonood. Ngunit, sa katotohanan, ang awiting ito ay hindi isinulat para sa mga tinatawag na “Horror Movies,” kundi para sa pagpapatulog ng bata o ng mga sanggol.
            Tunay ngang ang pagtulog ay isa sa mga napakahalagang bagay na dapat ginagawa ng isang tao upang mapahinga ang bawat cellula ng kaniyang katawan at upang magkaroong muli ng panibagong kalakasang magagamin sa mga susunod na aktibidades sa kaniyang buhay. At ayon sa research, maraming mga bagay na ginagawa ang tao upang mangyaring dalawin siya ng antok at makatulog ng mahimbing tulad na lamang ng pagbibigay hmig sa mga sanggol upang ang mga ito’y pumikit at makapagpahinga. Ngunit bakit? Hindi ba’t natural sa isang tao ang matulog? Pero bakit kailangan pang gumawa ng maraming bagay upang makatulog?
            Ayon sa aking pagiisip at pagsasaliksik, ang bawat tao ay may ibat ibang mga paraan kung paanong magpapaantok. Isa na dito ang sikat na sikat na ginagawa ng mga tao na atin rin naming napapanood sa telebisyon. Hindi ko makalilimutan ang isa sa mga parte ng pambatang palabas na pinamagatang “Mr. Bean” kung saan ipinakita dito na kahit na ano ay kaniya nang ginawa ngunit hindi pa rin siya makatulog. Nandoon na naglagay na siya ng prijider sa kaniyang tabi upang siyay malamigan, nanood siya ng telebisyon at napakarami pang iba. Ngunit ang isang bagay na kaniyang isinagawa na umipektong bigla ay ang pagbibilang ng tupa. Maging ang aking lola ay nabanggit sakin na ang pagbibilang ng tupa, maging ng mga bituin ay nakakaantok. Ngunit, magpasahanggang nagyon, hindi ko pa rin maunawaan ang koneksyon nito sa pagtulog. Sinubukan ko na rin namang gawin ito ngunit, hindi ko na matandaan ang aking nadama at kinalabasan. Isa rin naman sa sinasabing paraan kung papaanong antukin at makatulog ng mahimbing ay ang pagbabasa ng nakahiga. Sinasabi nilang madaling antukin kung ika’y nagbabasa ng nakahiga sapagkat naka-focus ang iyong atensiyon sa iyong binabasa, hindi ka lumilingon sa ibang anggulo sa halip ay pabalik balik lamang ang iyong mga paningin mula sa kaliwa pakanan. Sa pagkakataong ito, napapagod ang iyong mata sa pagpabalingbaling ng paningin kaya’t ito na mismo ang magkukusang pumikit at, PRESTO! Makakatulog ka na ng mahimbing. Pangatlo naman ay ang Pagpapakapagod buong araw na umaabot sa puntong wala ka nang enerhiya pagsapit ng iyong pagpapahinga. Sa pagkakataong ito, mas gugustuhin mo na matulog at magpahinga na lamang kaysa gumawa pa ng mga bagay na makapagdadagdag pa ng iyong pagod sapagkat ito ang sigaw ng iyong katawan. Pangapat naman ay ang pagbubunot ng buhok o paggagalaw ng anit o buhok habang nakahiga. Ang paraan naming ito ay kadalasang epektibo sa mga matatanda. Sa katunayan nga’y nabibilang ito sa mga tinatawag na “Signs of Aging.” Napatunayan ko ito sa aking ina na sa tuwing ninanais iayng makatulog, isa sa aming mga magkakapatid ay hinihilingan niyang bunutan siya ng kulot o putting buhok. Matapos lamang din naman ang ilang minuto, sa oras na makarinig na kami ng hilik mula sa kaniya, kami’y tatayo na’t magsisimula ulit ng iba naming Gawain. Pnlima naman ay ang pagtapik sa sarili o pagpapatapik sa iba. Kadalasan, ang paraang ito ay ginagait lamang sa mga sanggol na hindi makatulog. Hindi ko lamang maunawaan ngunit noon, tuwing ginagawa ko ito sa aking nakababatang kapatid noong sanggol pa siya, tunay ngang ito’y epektibo. At lalong epektibo kung sasabayan pa ng panlima at panghuling paraan, ang pagawit o pagpapatugtog ng mga awiting malambing at masarap sa tainga. Ayon sa aking sariling palagay at mga karanasan, napakaepektibo ng paraang ito maging sa mga nakatatanda sapagkat tunay ngang nakarerelaks ng katawan, ng damdamin, ng isipan at ng buong pagkatao ang pakikinig sa mga awiting malalambing. Isa pa nga sa mga deskripsyon ng aking matalik na kaibigan, tila daw siya’y nakalutang sa alapaap habng inaawitan ng mga anghel.
            Maaaring ikonsidera ang pagtulog bilagn isa sa mga pinakamahirap na Gawain sa mundo. Daig pa nito ang pagaaral mga medisina maging ng abugasya. Hindi mo rin naman tio mabibili ng kahit gaano kalaking pera. Kahit sino mang Pontio Pilatong na pinakamayaman sa buong mundo, walang makabibili ng tinatawag na “Pagtulog.” Kahit ano pang gawin, bilyon man ang paraan upang antukin, wala pa rin tayong mararating. Wala tayong kayang gawin. Wala tayong kakayahang antukin.
Para sa akin, ang pinakamainam na gawin upang makatulog ay ang pananalangin. Panalangin sa Diyos na bigyan tayo ng pagkakataong makapagpahinga at mahimbing. Sapagkat Siya ang may kakayahan upang gawin agn lahat ng bagay. Ika nga sa ingles, “Nothing is impossible with God.” Siya ang lumalang ng langit at lupa, ng mga hayop at halaman, ng araw, buwang, mga bituin at ng buong kalawakan. Siya rin naman ang lumalang sa ating mga tao at alam Niya kung paano tayo pagagalawin at ooperahin. Kaya’t sa Kaniya lamang tayo makatatagpo ng kapahignahan. Hingiin lamang natin at tayo’y kaniyang bibigyan. Siya ay mapagbigay. Isang panalanging paghingi ng pagkakataong matulog at magkaroon ng bagong umaga sa dulo n gating mga panaginip. Bagong umagang pinaiiral ng bagong pagasa. Bagong pagasang pinaiiral ng bagong pagkakataong mabuhay. Bagong pagkakataong mabuhay na pinaiiral ng bagong buhay na ating nakamit. Ito’y Kaniyang regalong handog sa tanan. Regalong hindi matutumbasan ng anumang kasaganahan.

“IPAGPATULOY ANG AKING MGA NASIMULAN”


Ni: Gauden Albert Geli-Reyes
“Happy happy new year! Happy New year! Nagpaputok kayo? Anong mga handa niyo? San kayo nagbagong taon? Kamusta ang bagong taon?” Kadalasan, pagtalon ng mahabang kamay ng orasan sa gitnang tuktok nitong tagaalalay ng panahon habang ang maliit na kamay nama’y nananatiling nakatapat sa alas-dose, yaon ang mga katagang ating maririrnig mula sa mga taong ating nakakausap, mga kapitbahay na nakakasalubong, mga kaklaseng nakakasalamuha o maging ang ating mga kaibigan na ating nakakabatian. Ngunit ang labis kong ikinatutuwa ay ang pagtatanong nila sa akin ng ganito, “Anong ñuñir’s resolution mo?”
            Noong bata ako, siguro’y hindi nalalayo sa baitang 3 hanggang 6, maging hanggang sa unang taon ng aking pagaaral sa sekondaryang paaralan na aking pinapasukan ngayon, tradisyon na ng aking musmos na isipang gumawa at sumulat ng tinatawag na, “New Year’s Resolution” na akin pang nilalagay sa kapirasong papel. Kung may pagkakatao’y nilalagay ko sa isang “Plastic Bottle” at pinapaanod sa dagat, paminsan nama’y sinusunog ko bilang tanda ng aking katapatan. Sa una, aking ginagawa ang bawat bagay na aking ipinangako sa aking sarili ng buong kalakasan at katapatan, ngunit, aking napapansin na habang tumatagal ang panahon, nauupos na ring tulad ng kapirasong papel na aking sinunog ang pagaalab ng puso kong magbago. Ngunit bakit nga ba? Dahil din ba sa kulturang kinaugalian na ng mga Pilipino na sa una lamang magaling? Bakit? Bakit? Bakit?
            Sa totoo lamang, simula noong ako’y nagkamuwang sa maraming bagay, lumago sa ilang mga alituntunin sa buhay, hindi ko na iniisip o tinangka pang gawin ang aking tradisyon sapagkat napagisip isip ko naming wala ring saysay kung akin pang ipagpapatuloy. Hindi rin naman umuubra sa hatak ng aking pagkatao. Kaya naman dumaan rin ang ilang taon, o sabihin nating humugit kumulang dalawang taon sa aking buhay na itinigil ko ang tila aking kahibangan. Ngunit, dumating sap unto ng aking turkong isipan noong bago magtapos ang taong 2012 ang katanungang, “Kailan kaya ako tataba?”
            Nakatatawa mang pakingan, ngunit isa talaga ito sa aking mga kabigatan. Nakahihiya mang sabihin, ngunit nais ko sanang ako dito ay pagpalain. Kaya’t nayong, hindi man sa kaparaanang aking ginagawa noon, nais kong ipagpatuloy muli ang aking iniwanan at tinalikurang tradisyon. Nagunit ngayon, buo ang aking puso, isipan, at pagkataong gawin ang aking ninanais. Marami rin kasi ang nagsasabi sa akin na unang una, “hindi daw bagay sa akin ang itsurang ganito, mas magmumukha daw akong disente kung magkakalaman pa ako ng bahagya.” Pangalawa naman, “mas madaming magkakasyang damit sa aking kung magpapataba pa ako.” Pangatlo, “sila raw ay nagaaalala rin sa aking kalusugan.” Pangapat naman, “upang mas magmukhang binata na ako ng kahit bahagya.” Panglima at ang panghuli, ”mas magiging produktibo ako bilang isang kabataang lalaki at bilang isang magaaral.”
            Noong una, wala akong pakialam sa kanilang mga sinasabi. Para sakin, normal na ang pagiging payat. Mapangilang beses ko na ring sinabing magpapataba ako ngunit hindi ko man lamang binibigyang pansin ang mga bagay na makatutulogn sa akin. Wala akong interes. Ngunit ngayon, nais kong gawin ito para din sa aking sarili. Ilang buwan na lamang ay magkokolehiyo na ako. Ngunit tila hindi pa pangklehiyo ang aking pisikal na kaanyuan. Kaya naman ako ay desididong gawin ang lahat ng bagay na maaaring makatulong sa aking upang tumaba.
            Maraming mga taong nagbibigay sa akin ng suhestiyon kung papaano akong makapagdadagdag ng bigat o timbang.
            1. Kumain ng madami.
            2. Matulog ng maaga, tamang oras at magpahinga ng mabuti.
            3. Magehersisyo.
            4. Kumain ng tsokolate.
            5. uminom ng mga bitaminang pampaganang kumain at pampataba.
            Yan na lamang aking mga natatandaan sa kanilang mga sinasabi sa akin. Kaya ngayong taon, inuumpisahan ko nang gawin kahit paunti unti muna ang mga bagay na aking binangit at tanggalin o bawasan ang mga bagay na tunay ngang masasabi kong nakaaapekto sa aking kalusugan.
            Sa dinamiraming mga bahay na maaaring kong baguhin, pagpapataba ang aking pinili. Sapagkat nakikita ko na bunga ng bawat hindi magagandang bagay na aking ginagawa ang aking lubusang pagngangayayat kaya naman masasabi ko na kasabay ng aking pagpapataba ang pagkawala, pagkabawas, at pagbabago ng mga gawang hindi kanais nais na aking iniisip, sinasabi at ginagawa sa aking sarili patungo sa ibang bago at mas mabuting nilalang ng Diyos.
            Naniniwala ako na sa pagtatapos ng taong ito, madadagdagan ang aking timbang, lalapad ng bahagya ang aking katawa at ako’y tataba. Hinihiling ko rin naman ang inyong panalangin na ako’y bigyan ng Poong Maykapal ng kalasan, kasipagan, at kasigasigang ipagpatuloy ang aking mga nasimulan.