Ni:
Gauden Albert Geli-Reyes
“Happy happy new year! Happy
New year! Nagpaputok kayo? Anong mga handa niyo? San kayo nagbagong taon?
Kamusta ang bagong taon?” Kadalasan, pagtalon ng mahabang kamay ng orasan sa
gitnang tuktok nitong tagaalalay ng panahon habang ang maliit na kamay nama’y
nananatiling nakatapat sa alas-dose, yaon ang mga katagang ating maririrnig
mula sa mga taong ating nakakausap, mga kapitbahay na nakakasalubong, mga
kaklaseng nakakasalamuha o maging ang ating mga kaibigan na ating nakakabatian.
Ngunit ang labis kong ikinatutuwa ay ang pagtatanong nila sa akin ng ganito,
“Anong ñuñir’s resolution mo?”
Noong
bata ako, siguro’y hindi nalalayo sa baitang 3 hanggang 6, maging hanggang sa
unang taon ng aking pagaaral sa sekondaryang paaralan na aking pinapasukan
ngayon, tradisyon na ng aking musmos na isipang gumawa at sumulat ng tinatawag
na, “New Year’s Resolution” na akin pang nilalagay sa kapirasong papel. Kung
may pagkakatao’y nilalagay ko sa isang “Plastic Bottle” at pinapaanod sa dagat,
paminsan nama’y sinusunog ko bilang tanda ng aking katapatan. Sa una, aking
ginagawa ang bawat bagay na aking ipinangako sa aking sarili ng buong kalakasan
at katapatan, ngunit, aking napapansin na habang tumatagal ang panahon, nauupos
na ring tulad ng kapirasong papel na aking sinunog ang pagaalab ng puso kong
magbago. Ngunit bakit nga ba? Dahil din ba sa kulturang kinaugalian na ng mga
Pilipino na sa una lamang magaling? Bakit? Bakit? Bakit?
Sa
totoo lamang, simula noong ako’y nagkamuwang sa maraming bagay, lumago sa ilang
mga alituntunin sa buhay, hindi ko na iniisip o tinangka pang gawin ang aking
tradisyon sapagkat napagisip isip ko naming wala ring saysay kung akin pang
ipagpapatuloy. Hindi rin naman umuubra sa hatak ng aking pagkatao. Kaya naman
dumaan rin ang ilang taon, o sabihin nating humugit kumulang dalawang taon sa
aking buhay na itinigil ko ang tila aking kahibangan. Ngunit, dumating sap unto
ng aking turkong isipan noong bago magtapos ang taong 2012 ang katanungang,
“Kailan kaya ako tataba?”
Nakatatawa mang pakingan, ngunit isa talaga ito sa aking
mga kabigatan. Nakahihiya mang sabihin, ngunit nais ko sanang ako dito ay
pagpalain. Kaya’t nayong, hindi man sa kaparaanang aking ginagawa noon, nais
kong ipagpatuloy muli ang aking iniwanan at tinalikurang tradisyon. Nagunit
ngayon, buo ang aking puso, isipan, at pagkataong gawin ang aking ninanais.
Marami rin kasi ang nagsasabi sa akin na unang una, “hindi daw bagay sa akin
ang itsurang ganito, mas magmumukha daw akong disente kung magkakalaman pa ako
ng bahagya.” Pangalawa naman, “mas madaming magkakasyang damit sa aking kung
magpapataba pa ako.” Pangatlo, “sila raw ay
nagaaalala rin sa aking kalusugan.” Pangapat naman, “upang mas magmukhang
binata na ako ng kahit bahagya.” Panglima at ang panghuli, ”mas
magiging produktibo ako bilang isang kabataang lalaki at bilang isang
magaaral.”
Noong una, wala akong pakialam sa kanilang mga sinasabi. Para sakin, normal na ang pagiging payat. Mapangilang
beses ko na ring sinabing magpapataba ako ngunit hindi ko man lamang
binibigyang pansin ang mga bagay na makatutulogn sa akin. Wala akong interes.
Ngunit ngayon, nais kong gawin ito para din sa aking sarili. Ilang buwan na
lamang ay magkokolehiyo na ako. Ngunit tila hindi pa pangklehiyo ang aking
pisikal na kaanyuan. Kaya naman ako ay desididong gawin ang lahat ng bagay na
maaaring makatulong sa aking upang tumaba.
Maraming
mga taong nagbibigay sa akin ng suhestiyon kung papaano akong makapagdadagdag
ng bigat o timbang.
1.
Kumain ng madami.
2.
Matulog ng maaga, tamang oras at magpahinga ng mabuti.
3.
Magehersisyo.
4.
Kumain ng tsokolate.
5.
uminom ng mga bitaminang pampaganang kumain at pampataba.
Yan na lamang aking mga natatandaan sa kanilang mga
sinasabi sa akin. Kaya ngayong taon, inuumpisahan ko nang gawin kahit paunti
unti muna ang mga bagay na aking binangit at tanggalin o bawasan ang mga bagay
na tunay ngang masasabi kong nakaaapekto sa aking kalusugan.
Sa dinamiraming mga bahay na maaaring kong baguhin,
pagpapataba ang aking pinili. Sapagkat nakikita ko na bunga ng bawat hindi
magagandang bagay na aking ginagawa ang aking lubusang pagngangayayat kaya
naman masasabi ko na kasabay ng aking pagpapataba ang pagkawala, pagkabawas, at
pagbabago ng mga gawang hindi kanais nais na aking iniisip, sinasabi at
ginagawa sa aking sarili patungo sa ibang bago at mas mabuting nilalang ng
Diyos.
Naniniwala ako na sa pagtatapos ng taong ito,
madadagdagan ang aking timbang, lalapad ng bahagya ang aking katawa at ako’y
tataba. Hinihiling ko rin naman ang inyong panalangin na ako’y bigyan ng Poong
Maykapal ng kalasan, kasipagan, at kasigasigang ipagpatuloy ang aking mga
nasimulan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento