Miyerkules, Enero 9, 2013

PAGMAMAHAL, PAG-IBIG AT PAGSUYO


Ni: Gauden Albert Geli-Reyes

Gabriela Silang, Tandang Sora, Cory Aquino, at napakarami pang iba. Yan ay ilan lamang sa mga Pilipinang tanayag sa lipunan na sa paglipas ng mga panahon at sa pagkaupos ng mga araw, ay nagpakita ng kanikanilang mga kakanyahan at kalakasan tulad rin ng iba pang mga kababaihan sa iba pang mga bansa sa buong sansinukob. Ito lamang ay nagpapatunay na maging ang mga “Eba” ng ating henerasyon ngayon ay may kapangyarihang humanay sa mga “Adan” at sa mga kaproduktibuhan ng mga ito.
            Kung ating babalikan ang nakaraan, masislayan ng ating mga makutingting na mga isipan na tanging ang mga kalalakihan lamang ang may karapatan na gumalaw at maging parte sa kahit anumang detalye ng ng kasaysayan, na nagpapahayag lamang ng malinaw na hindi prayoridad ang mga kababaihan simula pa noon. Kung ating mababasa sa Biblia, ang mga kababaihan ay nararapat na manatili na lamang sa kanilang kabahayan, maging ina, at magsilbi sa kani-kanilang mga asawa. Ngunit sa panahon ngayon, unti unti na ring binubulalas ng mga “Eba” ng kasalikuyan ang kanilang mga kakayahan at kasanayan. Kakayahang hindi matutumbasan ng kahit anumang kayamanan sa sanlibutan.
            Naniniwala ako na karapat dapat na pagalayan ng paghanga ang mga kabaihang nag-alay rin ng kanilang mga kakayahan at buhay upang makibahagi sa pagpapatuloy ng pagikot ng ating mundo. At sa ganitong mga bagay, tunay na hinahangaan ko ang aking minamahal na ina. Siya ay nagngangalang Rosemarie Geli-Reyes. Ang aming ilaw ng tahanan, tanglaw sa aming dinaraanan.
            Kung ako ang tatanungin, kung saan ko maaaring ihalintulad ang aking ina, maaari kong sagutin na, Siya ay tila isang matayog at matibay na punong hitik sa mga bunga’t mabulaklak. Sapagkat nakikita ko na siya ay isang matibay na babae. Siya ay isang matatag na ina. Na sa kahit anumang hamon ng buhay, kahit anumang problema ang dumating sa aming pamilya, siya ay nananatili pa ring nakatayo at naninindigan, nagbibigay huwaran sa amin na hindi dapat na sumusuko sa mga problema bagkus ay magpatuloy sa paggawa ng tama at gamitin ang mga pagdurusang it bilang mga instumento at insirasyon sa ating paglago sa pagiging tao, mamamayang Pilipino at sa pagiging kristiyano. Nasabi ko naman na ang aking ina ay tila isang punong hitik sa bunga sa pareho din naman kadahilanan. Katulad nga ng kaniyang sinasabi sa amin na magpatuloy sa paggawa ng tama at gamitin ang mga pagdurusang it bilang mga instumento at insirasyon sa ating paglago sa pagiging tao, mamamayang Pilipino at sa pagiging kristiyano kung saan matututo kami ng napakaraming mga bagay na maaari naming magamit sa araw araw na kung saan kami ay lalago at magbubunga ng madaming mabubuting mga bagay katulad ng ipinamamalas at ipinapakita ng aking ina. Nasabi ko rin naming siya ay isang punong mabulaklas sapagkat, para sa akin, kahit hindi man sa inoyng paningin, siya ang pinakamagandang babae sa mundo. Ika nga sa isang awitin, “You’re always be beautiful in my eyes,” na sa kabila ng anumang karungisan, kulubot, putting buhok, katabaan, at iba pang mga hindi magagandang katangian niyang pisikal, mananatili ang aking paghanga at pagtingin sa kaniya bilang pinakamaganda tulad ng isang bulaklak na mahalimuyak at namumukadkad sa anumang panahon.
            Hindi ko ikakailang ang puso ko’y lubos na nagpapasalamat sa Poong Maykapal sapagkat binigyan niya ako ng isang inang mabuti, maunawain (kahit siya’y mabunganga), mabait, mapagmahal at napakarami pang iba. Hindi ko man maipakita sa salita at sa gawa, ngunit sa aking isipan, hindi mawawaglit ang aking pagmamahal bilang isang anak na iyong inaruga’t inalagaan. Nais ko rin naming magpasalamat sa iyo, aking ina, sa lahat. Unang una sa buhay na aking tinatamasa ngayon at maging sa pagkakataong mabuhay. Hindi kakayanin ng aking mga daliri na pumindot pa ng pumundot upang ihayag ang lahat ng iyong kabutihan sa akin. Ngunit alam ng Diyos kung gaano ka nagging mabuti sa aking at sa aking mga kapatid. Salamat inay. Salamat.
            Katulad nga ng lagging sinasabi sa akin ng aking butihing pastor, “Habang buhay pa sila, lagi mong ipakita ang iyong pagmamahal, sapagkat hindi na nila mararamdaman yan, kait isigaw mo pa ng malakas ay hindi na rin naman nila iyan maririnig kapag sila’y nakapikit na sa ataul at kinuha na ng Diyos ang kanilang mga buhay.” Mahirap ngunit kailangang gaiwn, lalo pa’t hindi naman natin nakasanayan. Patuloy nating ipakita sa kanila an gating pagmamahal. Ipadama ang ating nadaramang pagibig at pagsuyo. Pagmamahal sa mga taong nagbigay sa atin ng buhay, pag big sa mga taong nangalaga at nagaruga sa atin, at pagsuyo sa mga taong nagging ilaw, liwanag, at gabay sa pagtahak sa anumang hamon ng buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento