Miyerkules, Enero 9, 2013

REGALONG HINDI MATUTUMBASAN NG ANUMANG KASAGANAHAN


Ni: Gauden Albert Geli-Reyes

“Ili ili, tulog anay, wala diri imong nanay. Katotienda, bakal papay, ili ili, tulog anay...” Karamihan sa mga tao, laong lalo na sa ating bansang Pilipinas, tinitingnan ang awiting ito na isang awiting panakot o kakilakilabot. Kadalasan sa mga pelikulang Pilipinong naglalayong makapanakot o makapanggulat, ginagamit nila ang awiting ito upang makapangabog ng puso ng manonood. Ngunit, sa katotohanan, ang awiting ito ay hindi isinulat para sa mga tinatawag na “Horror Movies,” kundi para sa pagpapatulog ng bata o ng mga sanggol.
            Tunay ngang ang pagtulog ay isa sa mga napakahalagang bagay na dapat ginagawa ng isang tao upang mapahinga ang bawat cellula ng kaniyang katawan at upang magkaroong muli ng panibagong kalakasang magagamin sa mga susunod na aktibidades sa kaniyang buhay. At ayon sa research, maraming mga bagay na ginagawa ang tao upang mangyaring dalawin siya ng antok at makatulog ng mahimbing tulad na lamang ng pagbibigay hmig sa mga sanggol upang ang mga ito’y pumikit at makapagpahinga. Ngunit bakit? Hindi ba’t natural sa isang tao ang matulog? Pero bakit kailangan pang gumawa ng maraming bagay upang makatulog?
            Ayon sa aking pagiisip at pagsasaliksik, ang bawat tao ay may ibat ibang mga paraan kung paanong magpapaantok. Isa na dito ang sikat na sikat na ginagawa ng mga tao na atin rin naming napapanood sa telebisyon. Hindi ko makalilimutan ang isa sa mga parte ng pambatang palabas na pinamagatang “Mr. Bean” kung saan ipinakita dito na kahit na ano ay kaniya nang ginawa ngunit hindi pa rin siya makatulog. Nandoon na naglagay na siya ng prijider sa kaniyang tabi upang siyay malamigan, nanood siya ng telebisyon at napakarami pang iba. Ngunit ang isang bagay na kaniyang isinagawa na umipektong bigla ay ang pagbibilang ng tupa. Maging ang aking lola ay nabanggit sakin na ang pagbibilang ng tupa, maging ng mga bituin ay nakakaantok. Ngunit, magpasahanggang nagyon, hindi ko pa rin maunawaan ang koneksyon nito sa pagtulog. Sinubukan ko na rin namang gawin ito ngunit, hindi ko na matandaan ang aking nadama at kinalabasan. Isa rin naman sa sinasabing paraan kung papaanong antukin at makatulog ng mahimbing ay ang pagbabasa ng nakahiga. Sinasabi nilang madaling antukin kung ika’y nagbabasa ng nakahiga sapagkat naka-focus ang iyong atensiyon sa iyong binabasa, hindi ka lumilingon sa ibang anggulo sa halip ay pabalik balik lamang ang iyong mga paningin mula sa kaliwa pakanan. Sa pagkakataong ito, napapagod ang iyong mata sa pagpabalingbaling ng paningin kaya’t ito na mismo ang magkukusang pumikit at, PRESTO! Makakatulog ka na ng mahimbing. Pangatlo naman ay ang Pagpapakapagod buong araw na umaabot sa puntong wala ka nang enerhiya pagsapit ng iyong pagpapahinga. Sa pagkakataong ito, mas gugustuhin mo na matulog at magpahinga na lamang kaysa gumawa pa ng mga bagay na makapagdadagdag pa ng iyong pagod sapagkat ito ang sigaw ng iyong katawan. Pangapat naman ay ang pagbubunot ng buhok o paggagalaw ng anit o buhok habang nakahiga. Ang paraan naming ito ay kadalasang epektibo sa mga matatanda. Sa katunayan nga’y nabibilang ito sa mga tinatawag na “Signs of Aging.” Napatunayan ko ito sa aking ina na sa tuwing ninanais iayng makatulog, isa sa aming mga magkakapatid ay hinihilingan niyang bunutan siya ng kulot o putting buhok. Matapos lamang din naman ang ilang minuto, sa oras na makarinig na kami ng hilik mula sa kaniya, kami’y tatayo na’t magsisimula ulit ng iba naming Gawain. Pnlima naman ay ang pagtapik sa sarili o pagpapatapik sa iba. Kadalasan, ang paraang ito ay ginagait lamang sa mga sanggol na hindi makatulog. Hindi ko lamang maunawaan ngunit noon, tuwing ginagawa ko ito sa aking nakababatang kapatid noong sanggol pa siya, tunay ngang ito’y epektibo. At lalong epektibo kung sasabayan pa ng panlima at panghuling paraan, ang pagawit o pagpapatugtog ng mga awiting malambing at masarap sa tainga. Ayon sa aking sariling palagay at mga karanasan, napakaepektibo ng paraang ito maging sa mga nakatatanda sapagkat tunay ngang nakarerelaks ng katawan, ng damdamin, ng isipan at ng buong pagkatao ang pakikinig sa mga awiting malalambing. Isa pa nga sa mga deskripsyon ng aking matalik na kaibigan, tila daw siya’y nakalutang sa alapaap habng inaawitan ng mga anghel.
            Maaaring ikonsidera ang pagtulog bilagn isa sa mga pinakamahirap na Gawain sa mundo. Daig pa nito ang pagaaral mga medisina maging ng abugasya. Hindi mo rin naman tio mabibili ng kahit gaano kalaking pera. Kahit sino mang Pontio Pilatong na pinakamayaman sa buong mundo, walang makabibili ng tinatawag na “Pagtulog.” Kahit ano pang gawin, bilyon man ang paraan upang antukin, wala pa rin tayong mararating. Wala tayong kayang gawin. Wala tayong kakayahang antukin.
Para sa akin, ang pinakamainam na gawin upang makatulog ay ang pananalangin. Panalangin sa Diyos na bigyan tayo ng pagkakataong makapagpahinga at mahimbing. Sapagkat Siya ang may kakayahan upang gawin agn lahat ng bagay. Ika nga sa ingles, “Nothing is impossible with God.” Siya ang lumalang ng langit at lupa, ng mga hayop at halaman, ng araw, buwang, mga bituin at ng buong kalawakan. Siya rin naman ang lumalang sa ating mga tao at alam Niya kung paano tayo pagagalawin at ooperahin. Kaya’t sa Kaniya lamang tayo makatatagpo ng kapahignahan. Hingiin lamang natin at tayo’y kaniyang bibigyan. Siya ay mapagbigay. Isang panalanging paghingi ng pagkakataong matulog at magkaroon ng bagong umaga sa dulo n gating mga panaginip. Bagong umagang pinaiiral ng bagong pagasa. Bagong pagasang pinaiiral ng bagong pagkakataong mabuhay. Bagong pagkakataong mabuhay na pinaiiral ng bagong buhay na ating nakamit. Ito’y Kaniyang regalong handog sa tanan. Regalong hindi matutumbasan ng anumang kasaganahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento