Wagas na pag-ibig
an gating suyuan,
Lantay at tunay na
pagmamahalan.
Maging ating Diyos
ay sinasangayunan,
Itong pagsasama at
pagiibigan.
Saklob maging
Langit nitong ating pagibig,
Sa bawat araw sambit
nitong bibig.
Ngunit bakit tila ikaw nanlalamig?
Sa paglipas ng
gabi’y wala nang himig.
O aking pagibig,
saan na nabaling?
Mula nang aking
pagbigyan ang iyong hiling.
Na ‘yong hahanapin
pansariling galling,
Dasal ngayon ay
bumalik sa’king piling.
Tamis ng pagsuyo’y kay sarap akuin,
Sa bawat araw ay aalalahanin,
Pangako sa iyo’y di kayang baliin,
Na habambuhay,
ikaw lang ang ibigin.
Mahal kita O
giliw, pangwalang hanggan,
At mananatili
anumang dumaan.
Sa hampas ng
hangin, apoy o tubig man,
Pagibig sayo’y di
mapipigilan.
Nawa’y pag-ibig ng
Diyos sa’yoy yumakap,
Gabay at lakas sa
iyong pagsisikap.
Maging puso koy
bitbitin sa ulap,
Gunita sa pagibig
na wagas at ganap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento